PNP nakaalerto sa kabi-kabilang rally

IPINAGMALAKI ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na lagi silang nakaalerto at lalong hindi nababahala sa kabi-kabilang kilos protesta na ginagawa sa kalakhang Maynila.

Ayon kay PNP spokesman Generoso Cerbo, sa kasalukuyan ay kalmante ang PNP dahil wala naman silang natanggap na seryosong banta sa panggugulo sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Binigyang diin din ni Cerbo na “on top of the situation” ang mga district director na nagmamasid sa mga kaganapan.

Bagamat kontrolado ang sitwasyon, nanawagan pa rin si Cerbo sa mga raliyista na panatilihing maayos ang kanilang mga kilos protesta para hindi mauwi sa karahasan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply