PNP ‘Oplan Clean Riders’ pinaiigting sa Gitnang Luzon

LUNGSOD NG CABANATUAN, Nueva Ecija, Okt 5 (PIA) — Hinihikayat ng Police Regional Office (PRO-3) ang mga motorista na dalhin ang kanilang motorsiklo sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya para mairehisto sa kanilang “Oplan Clean Riders.”

Ayon kay Police Chief Inspector Karen Clark, information officer ng PRO3, ito ay upang makatulong ang mga rider sa tuloy-tuloy na pagpapababa ng mga krimen na kinasasangkutan ng motorista o ang mga tinatawag na motorcycle-riding suspect sa rehiyon.

Kaya ang panawagan ni Clark sa mga motorista ay panatilihin ang kooperasyon sa mga hanay ng pulis upang mapalawak ang kaayusan hindi lamang sa lalawigan kundi sa buong rehiyon.

Sa kasalukuyan, umabot na sa humigit kumulang 15,000 motorsiklo ang nailista ng mga kapulisan.

Sinabi pa ng inspektor na ang mga magpapalista ay bibigyan ng identification card na magagamit nila upang hindi na maabala tuwing may inspeksyon sa lansangan ang mga pulisya.

Hinggil naman sa napipintong eleksyon, nakatutok ang buong kapulisan sa paghahanda sa pagpapatupad ng task force HOPE o Honest Orderly and Peaceful Election sa lahat ng mga lalawigang nasasakupan.

Padadalasin ang pagpapatrulya ng mga pulis sa mga lugar na mayroong kasaysayan ng karahasan o problema sa mga nakaraang halalan, dagdag pa ni Clark.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply