Police pensioner na wala pang ATM makatatanggap pa rin ng pension

WALANG dapat ipag-alala ang mga retiradong pulis na hindi pa nakapag-enroll sa ipinatutupad na ATM pension system.

Ani PNP spokesman C/Supt.Generoso Cerbo ito ay dahil matatanggap pa rin ng mga retiradong pulis ang kanilang buwanang pension sa pamamagitan ng continous form check scheme.

Nitong Oktubre kasalukuyang taon,  sinimulan nang ipatupad ng PNP ang automated pension payment system kung saan ang pension ay ipapasok ng PNP sa ATM account ng mga pensioners sa Land Bank of the Philippines.

Sinabi pa ni Cerbo na ang mga police pensioners na nakapag-enroll sa bagong sistema ngunit wala pa ang ATM card ay maaari din makuha ang kanilang pera sa pamamagitan ng over-the-counter withdrawal sa lahat na mga sangay ng Landbank of the Philippines.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply