Simbahan dismayado sa political dynasty sa bansa

NAGPAHAYAG ng pagkadismaya si CBCP-Episcopal Commission on Youth Executive Secretary Fr.  Cunegundo Garganta sa pananatili ng political dynasty sa bansa.

Ayon kay Fr. Garganta, na wala pa siyang nararamdamang pag-unlad sa buhay ng mga Filipino sa kabila ng halos dalawang dekadang pananatili sa puwesto ng mga magkakamag-anak na politiko.

Ayon kay Fr. Garganta, nakakalungkot na sa larangan ng pulitika ay pare-pareho o iisang mukha lamang ang mga kumakandidato tuwing halalan.

Dahil dito, hinikayat ng pari na tumakbo ang mga may kakayahang mamuno sa darating na 2013 midterm elections upang matuldukan na ang paghahari ng iisang politiko at pamilya.

Nananawagan si Fr. Garganta sa mga may kakayahan, may integridad, may takot sa Diyos at mga mabubuting mamamayan na lumahok sa halalan upang mabago ang mukha ng pulitika sa bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply