Political wannabe gustong maglingkod sa mga kababayan

MAGANDA ang rason na ibinigay ni Marc Cubales kung bakit nag-file siya ng certificate of candidacy bilang konsehal sa bayan ng Montalban (Rodriguez) in Rizal province. Humabol sa deadline si Marc noong October 5, matapos makapag-isip ng mahabang panahon kung tatakbo ba siya o hindi.

“Pakialamero kasi ako, tito, halos araw-araw nasa munispyo ako para kulitin sila sa mga projects nila sa aming bayan. I feel that, maraming bagay ang nakaliligtaan kaya kung siguro ako, kasali na sa konseho, mas lalo akong mangungulit. Siyempre, if elected, may karapatan akong lalo na makialam para sa ika-uunlad ng bayan namin,” paliwanag ni Marc nang huling makausap namin to let us know na nakasampa na nga siya para tumakbong konsehal sa darating na My 13 elections.

“Kung palarin po, maganda. kung hindi naman, wala naman pong mawawala. Tutal naman, ako talaga, ever since, nasa puso ko na ang makapaglingkod, kaya manalo man o hindi, hindi ako bibitaw sa aking adbokasiya na mapaglingkuran ang aking mga kapwa-tao.

Truly, Marc has a very big heart para sa mga tao sa kanyang paligid, kaya true na maganda yung sana maipanalo niya ang kanyang mga laban.

Sa ngayon nga na wala pa siya sa position, he helps a lot of people, mas lalo na siguro kapag dumating ang panahong maglilingkod na siya bilang konsehal sa bayan ng Montalban.

Already, Marc is into several concerns, especially in a coop, that aims to help alleviate the plight of the people around him.

Marami silang business concerns, that might or will eventually free people from extreme poverty. “Basta may magagawa ako para sa aking kapwa-tao, gagawin ko nang taos sa aking puso,” nakangiting sabi pa ni Marc Cubales.

So there!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply