Polusyon ang nagpapalala sa Manila Bay

Ako’y nalulungkot kapag napapadaan ako ng Roxas Boulevard. Nawala na ang dating ganda at kalinisan ng Manila Bay.

Ang Manila Bay ay nahaharap sa nakalulunos na banta ng lumalalang polusyon.
Pinatutunguhan ng maruming tubig na nagmumula sa mga kabundukan, sapa, bukal at mga bahay sa Metro Manila Bay Area, gayundin ang mga marurumi at puno ng polusyon na mga ilog katulad ng Pasig River na doon din nagbubuga ng kanyang dumi.

Ang Metro Manila na pinaka-modernong lungsod na kailangan na maglagay ng sewerage system, ay mayroon lamang 15% ng kanyang mga residente na nakakonekta sa mga sewer pipes.

Mga bahay na may septic tanks ay hindi palagiang nalilinis at umaasa lamang sa mga bukas na sewers para malinis. Ang mga dumi naman na nanggagaling sa paglilinis na naturan ay nagbibigay polusyon sa mga ilog at iba pang bahaging tubig kapag may pagbaha.

Ibang mga industriya naman ay walang treatment facilities at direktang naglalabas ng kanilang mga liquid waste sa mga ilog at kanal. Ang mga basura na itinatapon kung saan-saan ay napupunta sa mga ilog at ang pinakahuling pinatutunguhan ay ang Manila Bay kung saan ito naiipon.

Higit sa lahat, ang patuloy na pagdami ng mga squatter, na ang mga bahay ay walang tamang pasilidad para sa sanitasyon, katulad ng kubeta, ay lalong nagpapalala sa polusyon sa Manila Bay.

Ang Manila Bay ay ipinahayag na “pollution hotspot” sa timog na bahagi ng silangang karagatan ng asya. Isang kaso ang inihain sa korte ng mga nagmamalasakit na mamamayan dahil sa patuloy na pagwawalang bahala ng mga ahensiya ng pamahalaan para masulosyunan ang suliranin sa polusyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply