Pondo ng PCSO, hindi nilustay – CGMA

NANINDIGAN ngayon ang kampo ni dating Pangulong  at ngayon ay Pampanga Rep.Gloria Macapagal-Arroyo na walang nilustay na pondo mula sa PCSO.

Ayon kay Atty. Raul Lambino, abugado ni Ginang Arroyo, nagulat sila kung saan kinuha ng Sandiganbayan ang desisyon dahil pinatunayan ng Commission on Audit (COA) na accounted naman ang nasabing pondo.

Sa ngayon ay naka-hospital arrest muli si Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center kaugnay sa regular nitong theraphy at inirereklamong pamamanhid ng kamay.

Una rito, kahapon ay nagpalabas ang Sandiganbayan 1st division ng warrant of arrest laban sa dating Pangulo bunsod ng kasong plunder kaugnay ng pagwawaldas ng pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply