Power crisis sa Mindanao nagdudulot ng perhuwisyo

NAGDUDULOT ng malaking perhuwisyo sa mga transaksyon ng ilang ahensya ng gobyerno ang araw-araw na power crisis sa Mindanao.

Kaugnay nito, mariing ipinahayag ng Zamboanga del Sur Electric Cooperative I (ZAMSURECO I), magkakaroon ng 4 hanggang 7 oras na power interruption araw-araw depende ito sa kinakailangang load na National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Idinagdag pa ni Information Officer Levy Cabatcha na hindi nila maibibigay sa mga konsumante ang hinihinging schedule ng brown-out dahil dinedepende ito sa request ng NGCP.

Nagrereklamo na ang karamihan sa mga konsumer lalo na ang mga negosyante dahil naapektuhan ng brown out ang daloy ng negosyo araw-araw na nararanasan ngayon sa lalawigan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply