PPCRV: Party-lists na konektado sa Palasyo, ‘wag na tumakbo

SUPORTADO ng church-based poll watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang panawagan ng taumbayan na hindi na dapat pang payagang tumakbo sa eleksiyon ang mga party-list groups na konektado at may posisyon sa administrasyong Aquino.

Sinabi ni PPCRV Chairperson Ambassador Henrietta de Villa na hindi maituturing na marginalized sector ang mga party-list group na may posisyon sa gobyerno kung kaya’t dapat lang na alisin sila sa listahan ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay de Villa, kailangang bigyan naman ng pagkakataon na makapuwesto sa Kamara ang mga sectoral group na tunay na kumakatawan sa mga mahihirap at mga walang boses sa lipunan.

“Hindi naman sila marginalized, marginalized ba sila eh may posisyon ang mga lider nila sa pamahalaan?  Nandun na sila sa kalapit-lapit na power tapos sasabihin mong marginalized ka at unrepresented ka? Un-represented voice of the marginalized? Hindi naman yata tama yun! Kahit hindi naman marunong mag-isip, kaagad agad ay makikita yun,” ayon pa kay de Villa, sa panayam sa radyo.

Reaksiyon ito ni de Villa sa mga petisyon na alisin sa listahan ng Comelec ang mga party-list group na Akbayan, Black and White movement at iba pa na may koneksyon sa pamahalaang Aquino.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply