PPCRV tiwala sa PCOS machines

MAY tiwala ang Parish Pastoral for Responsible Voting (PPCRV) sa precinct count optical scan (PCOS) machines na gagamitin sa 2013 midterm elections.

Ayon kay PPCRV chairperson Henrietta de Villa, wala silang nakikitang dahilan para pagdudahan ang mga PCOS dahil naging maganda ang resulta ng ginawang automated election noong 2010 kung saan unang ginamit ang mga makina ng Smartmatic.

Gayunman, inamin ni De Villa na kailangang dagdagan ang mga safeguards upang hindi magkaroon ng duda sa magiging resulta ng halalan.

Nanindigan din ang PPCRV na ang source code na ginagamit sa sistema ay kailangang isalang sa review.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply