Preparasyon ng PNP, NAIA at Philtranco, maayos -PNoy

MAAYOS kung ituring ni Pangulong Benigno Aquino III ang ginawang paghahanda ng PNP sa NAIA Terminal 3 at  Philtranco kahit dumagsa ang mga biyahero umaga pa lamang papuntang mga lalawigan.

“Tandaan lang natin ung NAIA-3 hindi pa ho tapos ‘yung gusaling ‘yan. Marami pang kailangang gawin at parang nagkaliwanag na ho ngayon doon sa timetables para matapos at para magamit natin po ‘yung NAIA-3. So, maliban doon sa mga naiwan sa amin na kailangan pang tapusin na medyo mahaba-haba ‘yung negotiations doon sa mga lalo na ‘yung sa foreign companies and mukhang on schedule ho tayo at mukhang kanina maayos naman ho ‘yung mga nakita nating pasahero pati na ho dito sa Philtranco, ano,” ayon kay Pangulong Aquino.

Hindi naman kaila kay Pangulong Aquino ang naunang sinabi ni MIAA General Manager Jose Angel Honrado  na may problema sa airconditioning  at CCTV cameras ng NAIA-3 na ayon sa huli ay noong nakaraang taon pa nya ito problema.

“Teka, balikan ko ‘yung unang sinabi ko sa’yo, ano. Hindi pa tapos ‘yung building na ‘yun e. Kung naabutan mo last year, kung nakita mo kasabay namin, marami doon parang kumbaga basic structure hindi pa finished. Ngayon, ‘yung aircon syempre isang buong unit ‘yan pero partially completed at partially uncompleted so paano mo ngayon… Ang problema babalansehin mo na ‘yung dapat isang daluyan o isang flow ay naging, kumbaga, putol-putol. Ngayon, bakit hindi ganoon kadali? ‘Yung isa sa mga kumpanya… Alam nyo naman ‘yung NAIA-3 pang-apat na presidente na akong tumatalakay ng problemang ‘yan e. Hopefully matatapos natin itong Nobyembre ‘yung ibang mga negosasyon para matapos na ng buong-buo ‘yung building na ‘yan. ‘Yung iaayos na systems, ano, ‘yung conveyor, ‘yung mga tube, ‘yung mga ganyan doon sa contractor na Takenaka 23 systems lahat-lahat ‘yan. Tapos ‘yung may mga komplikasyon nga, ano, dahil ‘yung reputation nila as a firm ang haba ‘nung negotiations na dinaanan para nga merong—imbes na nag-demandahan tayo aabot ng, ‘di ba, aabot ng pagputi ng uwak bago matapos, dito nagkaroon ng negotiations para nga magamit natin nang buo at kumpletong-kumpleto ‘yang NAIA-3.Pero, ulit, 23 systems nga incomplete—siguro roughly mga kalahati lang ‘yung natapos ‘nung iniwan sa ating mga kamay at hindi naman ura-urada pwede mong ipatira kung hindi nga natapos lahat itong mga negosasyong ito,” litaniya nito.

Palihim naman ang naging hirit ni Pangulong Aquino sa media nang tanungin kung kailan bibisita ang pamilya Aquino sa puntod ng kanilang mga magulang na sina dating Pangulong Corazon Aquino at dating Senador Benigno Aquino Jr.

Gusto ng Chief Executive na makapagdasal sila ng taimtim at magkaroon sila ng oras sa kanilang namayapang magulang.

At sa tanong naman kung ano ang gagawin nito sa long-weekend vacation ay sinabi nito na walang holiday sa katulad nya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply