Presensya ng mga MNLF sa Zambo Sur, pinangambahan

NANGANGAMBA ang mga residente hinggil sa pagpasok ng mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa lalawigan ng Zamboanga del Sur.

Nababahala na rin ang lokal na pamahalaan ang pagpasok ng mahigit 20 miyembro di umano ng MNLF sa bayan ng Dumingag upang magkampo at magsagawa ng training sa ilang mga miyembro.

Ayon sa impormasyon, malaya umanong nakapasok sa naturang bayan ang grupo dahil sa tulong ng isang retired PNP official at dating Mayor na si Edgar Jamero na kakandidato ulit sa susunod na eleksiyon sa ilalim ng Liberal Party (LP) na mabilis naman nitong itinanggi.

Ayon kay Board Member Ernesto Mondarte miyembro ng Fact Finding Team na binuo ni Governor Antonio Cerilles, posible umano itong minaniobra ng mga kalaban sa pulitika ni incumbent Mayor Jun Pacalioga upang takutin ang mga tao at suportahan sila sa darating na halalan.

Posible rin na may balak pasukin ng grupo ang bayan dahil sa nakatakdang pag-ooperate ng mina sa naturang lugar.

Ikinatakot din ng mga opisyal ng lalawigan na maaaring may gagawing hindi maganda ang naturang grupo upang isabotahe ang nagpapatuloy na usapang pangkapayapaan ng MNLF at ng pamahalaan.

Sa ginawang interogasyon sa grupo ng  Police Provincial Office kasama nina Board Member Mondarte ng fact finding team, ipinangako naman nito na lilisanin naman ang lugar matapos ang ilang araw ng kanilang
paglalagi sa naturang bayan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply