Presyo ng bulaklak at kandila, nagmahal na

NAGSIMULA nang tumaas ang presyo ng mga bulaklak at kandila sa Metro Manila, habang papalapit na nang papalapit ang Undas.

Batay sa monitoring, mula sa P180-P190 kada dosenang presyo ng rosas, nasa P200 na ito ngayon, nasa P180 naman ang presyo ng kada bungkos ng chrysanthemum.

Bahagya ring tumaas ang presyo ng stargazer at nasa P190 na ito, P150 naman ang malaysian mum at nasa P400 na ang orchids.

Mabibili naman sa P200 ang Gerbera at carnation habang ang Gladiola ay nagkakahalaga naman ng P120.

Naglalaro naman sa P10-P50 ang presyo ng mga kandila, depende sa laki at disenyo nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply