Presyo ng karne ng baboy, manok bumaba; halaga ng isda tataas

BUMABA ang presyo ng karne ng baboy at manok sa ilan sa mga palengke sa Metro Manila kaninang umaga.

Sa ulat, sa Mega Q Mart sa Quezon City, ay bumaba ng hanggang P5 kada kilo ang presyo ng baboy at manok.

Mabibili na ngayon sa P160 ang bawat kilo ng karne ng baboy na dating P165 habang bumaba rin ang presyo ng manok mula sa P140 hanggang P135 per kilo.

Sa kabilang dako, ang presyo naman ng karamihan sa gulay ay nanatiling stable, sa kabila ng posibleng pag-ulan na dulot ng Typhoon Nina (Prapiroon) sa ilang parte ng Northern Luzon.

Ibinebenta naman ang talong ng P50 bawat kilo, habang ang pipino naman ay ibinebenta ng P45 per kilo. Ang Sayote ay ibinebenta ng P25 bawat kilo habang ang ampalaya naman ay isinasalya ng P70 bawat kilo.

Ang bawang naman ay ibinebenta ng P80 per kilo habang ang kamatis ay P50 bawat kilo. Mabibili sa halagang P200 kada kilo ang red bell pepper habang ang green bell peppers naman ay P150 per kilo.

Samantala, sinabi pa rin sa ulat na nangangamba ang mga vendor na tumaas ang presyo ng isda at iba pang lamang dagat dahil hindi pinayagan ng PAGASA ang mga mangingisda sa northern at eastern seaboards na pumalaot sa karagatan para manghuli ng mga isda dahil sa banta ng bagyong  Nina.

Ayon pa rin sa ulat, ibinebenta ang bisugo ng P140 hanggang P150 bawat kilo at ang tilapia naman ay P100 bawat kilo, at ang pusit ay ibinebenta ng P130 bawat kilo.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply