Presyo ng LPG sumipa na

MAKARAAN ang ipinatupad na dagdag bawas sa presyo sa Petrolyo, sumipa naman ngayon ang presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG).

Ang price hike ay nagsimula kaninang alas-12:01 ng madaling araw, nagpatupad ang Liquigaz ng- P1.70 sa kada litro o P18.70 kada 11-kilong LPG tank.

Susundan ito ng Petron, na may P1.75 kada kilo o P19.25 kada 11-kilong dagdag-presyo sa Gasul at Fiestagas habang P1.10 sa kada kilo ng auto LPG.

Lunes ng umaga, una nang nagtaas ng P2 sa presyo ng kada kilo o P22 sa kada 11-kilong tangke ng LPG ang Solane.

Ang naturang LPG price increase ay kasunod ng paggalaw sa International Contract Prices ngayong Oktubre.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply