Presyo ng noodles, bottled water bawal itaas tuwing kalamidad

MAHIGPIT nang ipagbabawal ang pagtataas ng presyo ng noodles at bottled water tuwing kalamidad na siyang sinasamantala ng tiwaling negosyante, ayon sa isang panukalang batas sa Senado.

Iginiit ngayon ni Senador Manny Villar na ang pinalawak na listahan ng mga pangunahing pangangailangan o bilihin sa ilalim ng batas ay pagsiguro na maraming bilihin ang hindi tataas ang presyo sa panahon ng kalamidad o trahedya.

Kahapon, tumayo sa plenary si Villar, Chairman of the Committee on Trade and Commerce bilang sponsor ng Committee Report sa panukalang pag-amyenda sa RA 7581 o ang Price Act.

Sa ilalim ng Committee Report 444, isasama na ang mga noodles at bottled water na gawa sa Pinas sa listahan ng mga pangunahing pangangailangan upang protektahan ang interes ng mamimili na kadalasang biktima ng mga ganid na negosyante sa panahon ng bagyo at iba pang kalamidad.

“Batay sa mga pag-aaral, dumarami pa ang ating mga kababayang umaasa sa instant noodles bilang patawid-gutom sa araw-araw. Halos ito na mismo ang pamalit-kanin ng marami nating kababayan. Ito marahil ay dahil mas mura ang noodles at mas madali kaysa kanin,” ayon kay Villar sa kanyang sponsorship speech.

Ayon pa kay Villar, ang instant noodles at bottled water ang dalawa sa mga pinakapangunahing pangagailangan ng mga naging biktima ng mga nagdaang kalamidad gaya ng Ondoy, Pepeng, Milenyo, Pedring at habagat. Ang mga ito rin ang agad na nagtaas-presyo sa kabila ng kalunos-lunos na sitwasyon ng mga biktima.

Iginiit pa ng senador na kahanay na ngayon ng instant noodles at bottled water ang bigas, mais, tinapay, isda at karne bilang mga pangunahing bilihin. Ito din ang unang nakararating na relief goods sa mga evacuation centers tuwing may kalamidad.

Kaugnay nito, nanawagan si Villar sa mga negosyante na isaalang-alang ang interes at sitwasyon ng mga Pilipino sa panahon ng kalamidad at iwasan ang walang patumanggang pagtataas ng presyo sa kanilang mga produkto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply