Presyo ng petrolyo may rollback bukas

MATAPOS ihayag ng Department of Energy (DoE) na bumagsak ang presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan, nagpatupad ng “rollback” sa presyo ng langis sa pangunguna ng isa sa malaking kompanya nito sa bansa epektibo bukas ng umaga.

Batay sa ipinadalang ulat ni Tony Nebrida ng Pilipinas Shell, alas-6:00 umaga bukas ay magtatapyas ng P0.90 sentimos kada litro ng unleaded gasoline, P0.25 sentimos kada litro ng kerosene, P0.35 sa diesel at P0.40 sentimos naman kada litro ng regular gasoline.

Samantala, wala pang anunsyo ang dalawa pang malaking kompanya ng langis at mga maliit hinggil sa panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo na inaasahan na susunod na rin ang mga ito sa pagtatapyas ng kani-kanilang produkto.

Matatandaang nauna nang inihayag ni DoE Oil Industry Management Bureau Director Zenaida Monsada na papalo sa P0.90 sentimos kada litro ang maaaring ibaba sa presyo ng petroleum products ngayong linggo.

Ayon kay Monsada noong Oktubre 16 ay sabay-sabay na nagpatupad ng dagdag presyo ang ilang kompanya ng langis na may kabuuang P0.30 kada litro sa diesel P0.60 sa kerosene, P0.60 kada litro sa regular gasoline at P0.70 naman sa unleaded at premium gasoline.

Sinabi pa ni Monsada na nakabatay sa suplay at demand ang presyuhan sa world market, kung kaya asahan aniya ang maya’t maya ang paggalaw ng presyo sa local market.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply