Presyo ng petrolyo tumaas

NAGPATUPAD na ngayon ng oil price hike ang ilang oil companies matapos magpalabas ng babala kahapon kaugnay ng oil price adjustment.

Simula kaninang 6:00 ng umaga, nagdagdag ng 30 sentimos sa kada litro sa kanilang diesel at 60 sentimos kada litro sa kerosene ang Pilipinas Shell.

Habang 60 sentimos sa kada litro ng regular gasoline at 70 sentimos kada litro sa gasolina ang nadagdag.

Sa kapareho ring oras, nagtaas din ang Petron ng 70 sentimos sa kada litro sa premium at unleaded habang 60 sentimos sa kada litro ng regular gasoline at 30 sentimos kada litro sa diesel at 60 sentimos sa kerosene.

Nagtaas na rin ng presyo ang Phoenix Petroleum: 70 sentimos kada litro premium gas; 60 sentimos sa regular gasoline: at 30 sentimos kada litro sa diesel.

Ang price hike ng produktong petrolyo ay bunsod ng pagtaas ng halaga nito sa world market.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply