Prime Minister ng France, dadalaw sa Pinas

MAKARAAN ang pagbisita ni Malayaian Prime Minister Najib Razak, kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nakatakdang pagbisita sa bansa sa kauna-unahang pagkakataon ng Punong Ministro ng Pransya.

Magsisimula sa Biyernes ang tatlong araw na pagbisita sa Pilipinas ni French Prime Minister Jean-Marc Ayrault.

Bitbit ni Ayrault sa kanyang pagdating sa Pilipinas ang 130-member delegation na kinabibilangan ng Ministers, Parliamentarians at mga negosyanteng Pranses.

Magugunitang simula noong maitatag ang diplomatic relations ng Pilipinas at France noong 1947, ngayon lamang magkakaroon  ng pagkakataon na dadalaw sa Pilipinas ang Prime Minister ng nasabing bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply