Private armies ng mga pulitiko ipinabubuwag ng Comelec

UMAPELA sa Commission on Elections (Comelec) at sa Philippine National Police (PNP) ang isang Catholic bishop na lansagin na ang mga private army ng mga pulitiko, lalo na at nalalapit na ang May 2013 midterm elections.

Ayon kay Sorsogon Bishop Arturo Bastes, dapat lamang na gamitin ng Comelec at PNP ang kanilang kapangyarihan para buwagin ang private armies ng mga pulitiko para matiyak na magiging malinis at payapa ang darating na halalan.

Sinabi ng Obispo na dapat ding tutukan ng mga kinauukulan ang mga hotspot area upang maiwasan ang kaguluhan at karahasan.

Hinimok din ng Obispo ang Comelec na ipatupad ng may pangil ang batas at kaagad na diskuwalipikahin ang mga kandidatong mayroong private armies.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply