Pro-CGMA sumugod rin para sumuporta

HUMIGA ang ilang militante sa harapan ng Gate 1 ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) bilang pagkondena sa umano’y special treatment na ibinibigay ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino  kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon sa grupong Anakpawis, dapat ay arestuhin at ikulong sa regular na kulungan si Arroyo.

Humiga rin ang mga ralista sa harapan ng gate at hindi umalis hanggang dumilim.

Nagsimula silang mag-rally sa ospital dakong alas-11:00 kaninang umaga.

Bantay-sarado naman ang grupo sa Quezon City Police District (QCPD) upang masiguro ang kaayusan.

Bilang bahagi ng pinaigting na seguridad sa Gate 1 ng ospital, ipinalista ng mga security guards ang mga pangalan at layunin ng bawat pumapasok doon.

Hindi naman nagpatalbog ang mga sumusuporta kay dating Pngulo dahil sumugod din sila sa ospital.

Ayon kay Myrna Ferrer, tagapagsalita ng grupong Karapatang Pantao, sumugod sila sa VMMC nang mabalitaan ang pag-iisyu ng arrest warrant laban kay CGMA.

Naniniwala umano silang wala itong kasalanan sa mga alegasyon laban sa kanya.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply