Produksyon ng tuna tataas ngayong taon

MALAKI ang posibilidad  na tumaas ang produksiyon  ng tuna sa bansa ngayong last quarter ng  2012 hanggang Feb. 2013 dahil pinayagan na  ang mga mangingisdang Filipino na makapangisda sa  karagatan na tinatawag na High Seas Pocket 1 o HSP-1  sa  Pacific Ocean.

Ayon kay Agriculture Secretary Proceso J. Alcala, tinatayang nasa  180 metriko toneladang isdang  tuna  ang inisyal na ibinaba ng tatlong carrier vessels  sa  Gen. Santos City fish port, magmula ng October 17 hanggang  18, batay sa ipinadalang ulat ng Department of Agriculture’s Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR).

Sa idinaos na selebrasyon ng 2012 World Food day sa Quezon City Memorial Circle noong Oct. 18, sinabi ni Alcala sa kanyang talumpati  na kaya ng  makabawi ng bansa sa produksiyon ng tuna dahil sa maraming huli ngayong taon.

Sinabi naman ni  BFAR Director Asis Perez na inaasahan nila na magiging full  blast ang tuna commercial fishing operation ng mga Filipino sa November, dahil  36 na Philippine-registered fishing vessels ang ipadadala sa “Pocket 1.” Kung saan ang bawat isang barko ay kayang makahuli ng 20 MT na isda bawat araw .

Nauna rito pinayagan ng Western at Central Pacific Fisheries Commission (WCPFC) ang Pilipinas  na makapangisda sa ‘Pocket 1’ ng Pacific Ocean hanggang February 28, 2013.

Ang  High Seas Pocket 1 ay lugar na nasasakupan ng Exclusive Economic Zones ng Federated States of Micronesia sa hilaga at silangan, at kanluran ng  Republic of Palau at Republic of Indonesia at ng Independent State ng Papua New Guinea hanggang sa katimugan.

Ani Perez  bumagsak  aniya ng 30 % ang taunang produksiyon ng tuna sa bansa noong panahon na pinagbawalan  ng WCPFC ang Pilipinas na mangisda sa Pocket 1, noong  January 1, 2010 hanggang  April 2012, layuning paramihin muna ang mga nasabing isda.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply