Programa kay Calungsod kasado sa San Juan City

NAGKASA ang pamahalaang lokal ng San Juan City ng programa para sa canonization ni Blessed Pedro Calungsod sa Roma.

Tinatayang aabot sa mahigit 5,000 mga deboto ang nakatakdang magtungo
mamayang hapon sa San Juan Arena para saksihan ang kanonisasyon ni
Beato Pedro.

Sa ngayon, nasa San Juan Arena na ang imahe ni Blessed Pedro
Calungsod para sa gagawing sebrasyon.

Nabatid na magsasagawa ng holy rosary bandang ala-1:00 ng hapon ang
mga deboto na susundan ng isang misa na pangungunahan ni Bishop
Bernardino Cortez, chairman ng CBCP Episcopal Commission on Social
Communications and Mass Media at siya ring Bishop ng Archdiocese of
Manila.

Alas-2:00 naman ng hapon ay magsasagawa ng stage play na itatampok ang
buhay ni Blessed Pedro Calungsod at alas-3 ng hapon sabay-sabay na
mapapanood ang live feed mula sa Vatican para sa canonization ni
Blessed Pedro Calungsod.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply