Propesor, mag-aaral sa CL nanalo sa nat’l health research contest

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga- Nagwagi ang mga propesor at mag-aaral ng Central Luzon Health Research and Development Consortium (CLHRDC) sa katatapos na ika-anim na pagdiriwang ng Philippine National Health Research Systems Week sa Maynila.

Pumangalawa si Mharpee Gonzales ng Tarlac State University (TSU) sa student research competition category sa entry niyang pinamagatang “Free radical scavenging activity of Ethanol, Hexane and Ethyl-Acetate Extracts from the leaves of Maguey (Agave America Linn) using DPPH Assay” habang ang ka-eskwelang si Ana Paula Catacutan ay pumangatlo sa parehong kategorya sa kanyang saliksik na “Semi-Empirical Study on the Structural Stability of α—α, α—β, and β—β Furan Block-Pyrrole Copolymer Models,” ayon kay Marites Batac ng Department of Science and Technology (DOST) Central Luzon information officer.

Samantala, pumangalawa si Mabel Rialubin ng Ramon Magsaysay Technological University sa professional poster exhibit contest sa kanyang entry na pinamagatang, “Implementation of Healthcare Waste Segregation among government hospitals in Zambales.”

Ang CLHRDC ay isang grupong binubuo ng mga ahensya ng gobyerno at pribado at pampublikong kolehiyo at pamantasan na nakatuon sa pagpapabuti at kalaauna’y paggamit ng mga theses at dissertations ukol sa kalusugan na magdadala ng magandang epekto sa populasyon ng Gitnang Luzon at buong bansa.

Kabilang sa mga pag-aaral na isinumite noong nakaraang taon ang pagtugon sa paulit-ulit na problema ng dengue at pagsusuri sa mga waste management practices ng mga pampubliko at pribadong ospital.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply