Protesta, ikakasa ng Piston

ISANG malawakang kilos protesta ang isasagawa ng grupong Pinagisang Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide o PISTON bilang protesta sa kawalan umano ng aksiyon ng gobyerno sa ibinasurang mataas na multa sa batas trapiko ng korte sa Baguio City.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Ka George San Mateo, national President ng PISTON na nagbanta rin ng tigil pasada sakaling hindi matugunan ng DoTC ang naging desisyon ng korte.

Nauna rito, dalawang beses ibinasura ng Baguio City Regional Trial Court branch 5, una noong Mayo 2 at sinundan ng  Sept. 10, ang mataas at nabibigat na multa o penalties sa trapiko sa buong bansa na nilalaman ng DOTC-LTO Department order 2008-39 bukod pa ang kawalan ng big time rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Magsasagawa ng transport protest caravan ang PISTON sa National Capital  Region (NCR) na uumpisahan  sa Quezon City Memorial Circle at magtutungo sa tanggapan ng Department of Transportation and Communication (DoTC) sa Ortigas avenue sa Mandaluyong at sa tanggapan ng Petron sa  Ortigas Center  .

Magsasagawa rin, aniya, ng transport protest caravan ang PISTON sa mga lalawigan ng Binan, Laguna at Iloilo hanggang Dumaguete at rallies sa LTO offices habang multi-sectoral rally sa Bacolod at noise barrage sa Roxas City, Capiz hanggang Mindanao.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply