Protesta laban sa 2 solon ibinasura ng HRET

IBINASURA ng House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) ang protestang inihain ni dating Executive Secretary Eduardo Ermita laban sa incumbent Batangas Rep, na si Tomas Apacible.

Sa nabanggit ding desisyon ay ibinasura rin ng HRET ang kahilingan ni dating Bureau of Internal Revenue Commissioner Liwayway Vinzons-Chato na patalsikin sa pwesto ang oposisyon na si Rep. Elmer Panotes ng Camarines Norte.

Matapos ang isang recount sa mga kinukwestyong balota sa ikalawang distrito ng Camarines Norte ay lumabas na lumamang si Panotes ng mahigit tatlong libong boto.

Sa reklamo ni Ermita ay anim na miyembro ng HRET ang pumabor na manatili si Apacible matapos ang reklamo nitong dayaan sa balota gamit ang precinct-count optical scan (PCOS) machines noong 2010 national elections.

Sa isinagawang recount, lumalabas na si Ermita ay nakakuha ng botong 103,814 samantalang si Apacible ay  125,716 boto.

Sa reklamo naman ni Chato ay walo ang bomoto upang manatili si Panotes sa pangunguna ng chairman ng HRET na si Supreme Court Associate Justice Presbitero Velasco Jr.

Bukod kay Velasco ay miyembro rin ng tribunal sina Associate Justices Diosdado Peralta at Lucas Bersamin at Reps. Rufus Rodriguez (PMP, Cagayan de Oro City); Joselito Andrew Mendoza (LP, Bulacan); Justin Marc Chipeco (NP, Laguna); Ma. Theresa Bonoan-David (NPC, Manila); at Rodolfo Albano (Lakas-CMD, Isabela).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply