Protesta laban sa taas-pamasahe sa LRT/MRT, dadalhin sa kalsada

NANGANGAKO ang grupong Riles Laan sa Sambayanan o Riles Network na dadalhin nila sa kalsada ang kanilang kampanya laban sa planong pagtataas ng pamasahe sa Light at Metro Rail Transit o LRT at MRT.

Ayon kay Riles Network convenor Sammy Malunes, napilitang isuspinde ng gubyerno ang naunang planong taas pamasahe noong lumalakas ang protesta nitong nakaraang taon.

Ngunit hinintay lamang daw ng administrasyong Aquino na humupa ang mga protesta bago inanunsyo na itutuloy ang taas-pamasahe sa katapusan ng kasalukuyang taon.

Kaugnay nito, nagdaos ng protesta ang Riles Network sa istasyon ng MRT sa Ortigas-Edsa kahapon.

Paliwanag ng Riles Network, sapat ang kinikita ng MRT at LRT mula sa pamasahe ng mananakay para sa operasyon ng mga tren.

Layunin lamang ng planong dagdag-pasahe na masiguro ang tubo ng mga kapitalista at mga bangkong may-ari nito at hindi ang tunay na serbisyong pang-masa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply