Public hearing sa MRT-LRT fare hike hiniling ni Sen Osmeña

HINIMOK ni Senador Sergio Osmeña III ang Senate Committee on Public Services na magsagawa ng public hearing upang ipaalam sa publiko ang nararapat na fare hike sa Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT).

Ayon kay Osmeña, ang hakbang ay upang marinig ng Senado ang mga rekomendasyon ng publiko hinggil sa dapat na presyo ng pasahe sa mga naturang transport system.

Nilinaw naman ng chairman ng Senate Committee on Banks na ang kanyang proposal sa Committee on Public Services ay hind inquiry bagkus ay isang public hearing.

Layon umano, nito na magkaroon ng transparency sa mga singil na dapat bayaran ng mamamayan.

Iginiit naman ng mambabatas na dapat munang pag-aralang mabuti ang dagdag singil sa pasahe sa LRT at MRT dahil posibleng iprotesta ito ng publiko.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply