Public interview sa mga kandidato sa pagka-associate justice sisimulan ngayong araw

SIMULA na mamayang hapon ang public interview sa mga kandidato sa pagiging Associate Justice ng Korte Suprema.

Nabatid na unang sasalang mamayang 1:30 ng hapon sa public interview sina Court of Appeals Associate Justice Ramon Bato Jr., Dean Joe-Santos Bisquera, Rosemari Carandang at Maria Cristina Cornejo.

Nakatakda namang kapanayamin bukas, Oktubre 24 sina Peace Chief Negotiator Atty. Marvic Leonen, Atty. Adoracion Cruz-Avisado; CA Associate Justice Magdangal de Leon; at Isaias Dicdican.

Naka-schedule namang sumalang sa huling araw ng interview sina dating cabinet secrtetary Raphael Lotilla; CA justices na sina Andres Reyes Jr., Jose Reyes Jr., at Noel Tijam.

Hangad ng mga kandidato na makuha ang naiwang puwesto ni dating Associate Justice Maria Lourdes Sereno na itinalaga ni Pangulong Benigna Aquino III na kapalit naman ng sinibak na si dating Chief Justice Renato Corona.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply