Public school teacher arestado sa bomb joke

ARESTADO ang isang public school teacher makaraang magloko  na may lamang bomba ang kanyang bag sa loob ng isang bangko sa Bacolod City.

Nabatid na pumasok ang guro na si  Precyla Gutierrez, 55 sa isang sangay ng Land Bank of the Philippines (LBP) sa Gatuslao St., Bacolod City  nang dumaan sa inspeksyon ng guwardiya at nang buksan na ang kanyang bag ay bigla siyang nagbiro na  may lamang bomba ito.

Naalarma naman ang mga nakarinig na kliyente ng bangko dahilan upang tumawag ng police assistance ang guwardiya ng bangko at ipinahuli ang guro.

Pinakawalan din naman ang guro makaraang wala namang bombang laman ang kanyang bag.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply