Publiko binalaan sa nagkalat na pekeng pera

NAGBABALA ang pamahalaang lungsod ng Pasay sa publiko ukol sa pagkalat ng pekeng salapi ngayong papasok na ang Christmas season.

Ito’y matapos makahuli ang Pasay police ng dalawang suspek na may hawak na mga pekeng salapi sa isang follow-up operation sa Buendia corner Leveriza St. at EDSA Taft Rotonda.

Kinilala ang mga suspek na sina Charlene Mataganas at Rommel Angeles.

Nakuha kay Mataganas ang isang piraso na pekeng P1,000 at pekeng P50 habang nakuhanan naman si Angeles ng limang tig-iisang libong psio (P1,000) matapos ireklamo ng kani-kanilang mga binilhang tindahan upang mapalitan ang dalang mga pekeng pera.

Kapwa nahaharap ngayon ang dalawa sa kasong kriminal sa ilalim ng Revised Penal Code sa paglabag sa Article 68 o iligal na pagkakaroon at paggamit ng mga pekeng Treasury o Bank notes, salapi at Instrumento ng pangungutang.

Ayon kay Pasay City Mayor Calixto, dapat maging mapagmatyag ang publiko hinggil sa mga pekeng salapi at agad na ireport sa pulisya kung maka-encounter nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply