Publiko kinalma sa pagmahal ng gov’t services

PINAKAKALMA na ng Malakanyang ang mga mamamayan kaugnay sa pagtataas ng singil sa mga serbisyo ng gobyerno.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Sonny Coloma, ito ay paraan ng gobyerno upang makaagapay sa patuloy na nararanasang pagtaas ng operating cost.

Sinabi ni Coloma na makaaasa ang mga mamamayan na magagamit sa mas pagpapaganda ng serbisyo ng mga ahensya ng gobyerno.

Ayon naman kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, layon lamang ng dagdag-singil sa mga government fees na paangatin o ma-improve ang serbisyo ng gobyerno.

Binigyang diin pa ni Lacierda na inaasahan ng Palasyo na oras na ito’y maipapatupad ay mapagkakalooban ng gobyerno ang publiko ng serbisyong higit pa sa kanilang ibinabayad.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply