Publiko muling pinaalalahanan sa Undas

PINAALALAHANAN ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang publiko na mag-ingat sa pagpunta sa mga sementeryo at siguraduhin nilang nakakandado ang kanilang bahay lalo na ngayong paparating na ang panahon ng Undas.

Ayon kay NCRPO Director Chief Supt. Leonardo Espina, tatlong importanteng bagay ang dapat tandaan ng publiko ngayong panahon ng Undas kung saan dapat ay dapat nilang siguraduhing nakakandado ang kanilang iiwanang bahay; pag iingat sa kanilang biyahe at ligtas na pagpunta sa mga puntod ng kanilang mga mahal sa buhay.

Dagdag pa ni Espina, kung walang mapagkakatiwalaang maiwan sa kanilang bahay ay dapat nila itong ipaalam sa kanilang barangay upang mabantayan habang wala sila sa kanilang tahanan.

Paalala pa ni Espina na huwag mag-iiwan ng nakasaksak na appliances at gadgets at huwag mag-iwan ng nakasinding kandila , isarang mabuti ang kanilang tangke ng gas, i-lock nang mabuti ang kailang mga pintuan upang maiwasan ang anumang sakuna.

Kung bibiyahe naman ay siguruhing dala ang travel documents tulad ng drivers license at vehicle registration para kung magkaroon ng aberya sa kanilang biyahe ay hindi na ito problemahin dahil kumpleto na sa kanilang mga kakailanganin papeles.

Maliban pa dito sundin ang routine check ng “BLOW BAG” o battery, light , oil, water breaks , air  at gas.

Sa pagpunta naman sa puntod, iwasang magsuot ng alahas, magdala ng malaking pera at itagong mabuti ang mga cellphone at huwag hayaang palaboy-labot ang mga bata sa sementeryo.

Iwasan din magdala ng alak, loudspeakers, deadly weapons at firearms sa loob ng sementeryo.

Pinayuhan din ni Espina ang publiko na sa oras ng emergency ay puwedeng ilapit ang kaso sa pinakamalapit na assistance desk o itawag sa 117.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply