Pulis-Maynila nanapak ng binatilyo, inireklamo

SINAPAK sa mukha at pinagbantaan ng isang pulis-Maynila ang isang 16 anyos na estudyante dahilan upang samahan ng kanyang magulang na magreklamo sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment Section kaninang umaga.

Sa reklamo ni Ronnel Bercades, ng 2228 Garido St., Sta.Mesa, Maynila lasing umano ang inirereklamong pulis na si PO1 Gerald Mamiego, nasa hustong gulang at nakatalaga sa MPD-Police Station 2  at residente ng Kahilom Uno, Pandacan, Maynaila.

Sa report, dakong alas 2:00 kaninang madaling araw nang pag-initan ng pulis ang biktima habang naglalakad sa may Kalayaan St., kanto ng M.Roxas St., Sta.Ana, Maynila.

Sinapak umano ni Mamiego sa mukha ang biktima at tinakot na noo’y lango sa alak.

Dahil sa takot ng biktima na maulit ang ginawa ng pulis ay sinamahan ito ng kanyang mga magulang sa pulisya upang pormal na sampahan ng reklamo ang suspek.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply