Pulis na napatay sa responde, inihatid sa huling hantungan

INIHATID na sa huling hantungan ang pulis na napatay habang rumiresponde may ilang araw na ang nakalilipas.

Pinangunahan ni Manila Mayor Alfredo Lim ang libing ni PO2 Ryan Bagadiong kasama ang ilang opisyal ng Manila Police District (MPD) at grupo ng mga mamamahayag sa 3 kilometrong layo na paghahatiran sa yumaong si Bagadiong.

Nabatid na umabot sa dalawang oras ang paglalakad ng alkalde mula sa MPD-headquarters patungo sa Manila North Cemetery para samahan ang pamilya ni PO2 Bagadiong.

Sinabi ni Lim sa necrological service sa MPD-headquarters, na karapat dapat lamang na mabigyan ng bayaning libing si Bagadiong.

“Ang buhay natin ay may nakatakdang tadhana kahit anong gawin natin kung oras na natin ay wala tayong magagawa,.ang mahalaga ay noong habang nabubuhay tayo ay kung ano ang nagawa natin,” ayon kay Lim.

Hiniling ng alkalde sa pamilya ni Bagadiong na pawiin ang kanilang luha dahil taas noo sila na makapagmamalaki na tunay na bayani na si PO2 Bagadiong.

Sinabi naman ni MPD Director C Supt.Alex Guttierez, na ang pangalan ni Bagadiong ay makakasama sa marker ng MPD, talaan ng mga pulis na itinuring na bayani.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply