Pulis na timbog sa droga protektado part 2

HULI ng PDEA sa akto na gumagamit ng droga si PO1 Michael Panuga ng Olongapo Police, kasama sina Neil Estrada at Mark Ellano sa Tulio St., Bgy. Sta. Rita, Olongapo City noong gabi ng Mayo 12, 2012.

Ito ang Totoo: nadisarmahan agad si Panuga at Estrada na may sukbit na 9mm at .45 cal. pistols, ayon sa pagkakasunod, at na-recover din ang  apat (4) na sachet ng shabu sa grupo.

Sina PO1 Albert Sagcal at Agent William Dulay ang nag-operate laban sa grupo sa pamamagitan ng pagpapanggap na namimili ng droga.

Nagtaka naman si Assistant City Prosecutor Ria Nina L. Sususco na nang dalhin sa kanya ang mga suspect para sa inquest, hindi isinama ang pulis na si Panuga bilang suspect o akusado.

Magkagayunman, sinampahan ng kaso ni Prosecutor Sususco na paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sina Estrada at Ellano, pati na si Panuga.

Pero kahit may kasong kriminal, hindi sinampahan ng kasong administratibo si Panuga at sa utos ni Olongapo Police City Director Christopher Tambungan,  ipina-custody na lang si Panuga kay Sr. Insp. Fernandez, hepe ng PS3,  kung saan, hanggang sa ngayon ay namamayagpag ito.

Tingnan natin kung may gagawing aksiyon dito si Olongapo PNP o-i-c PSSupt. Noli G. Taliño na ipinalit sa pinag-leave na si Tambungan, bunga ng sari-saring katiwalian sa kanyang pamumuno sa kapulisan ng lungsod. Ito ang Totoo!

***

Ipaabot sa Ito Ang Totoo sa pamamagitan ng txt ang inyong mga mensahe sa cp no. 0999-4001162 o sa Facebook http://www.facebook.com/pages/Ito-Ang-Totoo-Remate/143876209055760.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply