Pulis, NPA tumimbuwang sa bakbakan

ISANG miyembro ng New People’s Army at pulis ang namatay sa naganap na sagupaan sa Agusan del Sur.

Ayon sa report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang napatay sa laban na si Police Officer 1 Rommer Demaulo, habang kasalukuyan pang kinikilala ang napaslang na rebelde.

Naganap ang sagupaan sa bisinidad ng Sitio Tilangkog, Barangay Caigangan, Veruela.

Nabatid na nagsasagawa ng combat patrol operation ang mga tauhan ng gobyerno nang masabat ang mga elemento ng NPA’s Guerilla Front 3, alyas Rigor.

Tumagal ng halos 30 minuto ang bakbakan bago nagpasya ang mga rebelde na umatras ng maramdamang paparating na ang reinforcement.

Subalit ipinagmamalaki naman ng PNP na dahil sa nasabing sagupaan ay nabawi nila ang dinukot na miyembro ng CAA na si Jesse Agravante noong Sabado ng umaga at miyembro ng CAFGU sa ilalim ng 23rd Company ng La Fortuna Patrol Base.

Nasamsam sa nasabing pagsalakay ang isang granada, mga bala kasama ang bangkay ng NPA.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply