Pulisya ng Malabon pinuri ni Mayor Oreta

BINATI ni Mayor Antolin Oreta III si Malabon City Police Chief S/Supt. Ferdinand P. Ampil, Sr. kaugnay ng matagumpay  na drug operation noong Oktubre 9 sa Barangay Tugatog ng  kapulisan ng Malabon na nagresulta sa pagkaaresto ng isang drug lord at pagkakakumpiska ng milyong halaga ng shabu at drugs paraphernalia. Bukod kay Ampil, pinapurihan din ni Oreta ang mga miyembro ng raiding team kabilang sina C/Insp. Carlos Dilag, C/Insp. Monchito Lusterio, S/Insp. Arlito Franco, S/Insp. Romulo Maborang, Insp. Celso Sevilla at si SPO2 Alberto Nepomuceno. Ang nahuling droga sa Tugatog ay pangalawa na sa taong ito.  Noong Mayo, ang Malabon Anti-Narcotics ay nakasamsam ng P240 milyon halaga ng shabu sa pinagsususpetsahang drug laboratory sa Potrero, Malabon. Ang pagkaloob ng certificate of commendation ay isinabay sa flag-raising ceremony na isinagawa sa harap ng City Hall ng Malabon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply