Puwersa ng mamamayan gagamitin para sa malinis na halalan

INIHAYAG ng Commission on Elections na handa silang gumamit ng buong puwersa ng mamamayan para magbantay sa nakatakdang halalan sa susunod na taon.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, hindi lamang isang civilian arm ang kanilang kukuning katuwang sa election 2013.

Ani Jimenez, ang mga local na grupo ay maaari ring mapabilang sa mga katulong ng Comelec para sa paniniguro ng malinis at kapani-paniwalang halalan.

Una nang sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., na kailangan lamang pumasa sa hinihinging pamantayan ng komisyon ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at ang National Citizens Movement for Free Election (NAMFREL) at kanilang aaprubahan ang hinihinging akreditasyon ng dalawang grupo bilang civilian arm.

Sinabi pa ni Jimenez na malaking tulong ang magkakasamang pagkilos ng iba’t ibang grupo kasama ang komisyon sa pagnanais na maging maayos, mapayapa at malinis ang botohan sa susunod na taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply