PWD lawyers

“Those who have less in life should have more in law.”

Ang mga agrabyado sa buhay dahil sa kahirapan o kapansanan ay dapat mas may benepisyo sa ilalim ng batas at katarungan.

Hindi “special treatment” kung hindi pag-unawa at malasakit upang sa kabila ng kapansanan at kahirapan ay pantay pa rin ang tingin ng batas at pihit ng gulong ng katarungan para sa kanila.

Kamailan ay inilunsad ng National Council on Disability Affairs (NCDA) ang tatlong “PWD-Friendly public attor-neys” na aalalay sa persons with disabilities sa larangan ng katarungan.

Ito ay isang inisyatiba ng NCDA Sub-Committee on Access to Justice and Anti-Discrimination upang matulungan ang mga may kapansanan pagdating sa mga kaso sa hukuman.

Ang tatlong mahusay na abogado na inatasan sa ga-nitong gawain ay sina Atty. Florences de Belen ng DOJ Action Center sa Padre Faura, Manila; Atty. Demiteer Huerta at Atty. Maria Agatha Mijares, ng Public Attorney’s Office (PAO) headquarters sa Quezon City.

Sinabi ni NCDA acting executive director Carmen Zubiaga na sila ang mga unang abogado na sinanay para sa mga kaso ng may mga kapansanan at paano makipag-ugnayan sa mga ito.

Bakit po mahalaga ang ganitong adhikain?

May mga napabalitang biktima ng karahasan na mga may kapansanan na ‘di man tuluyang napabayaan ay usad-pagong ang kanilang mga kaso dahil sa kakulangan ng mga interpreter o gamit para mas lalo silang maintindihan.

Ang iba ay nahihirapang pumunta sa mga husgado dahil bukod sa kapansanan ay mahirap din sila.

Ni wheelchair para sa kanilang pagkilos ay wala.

Pamasahe pa kaya!

May mga kaso rin na ang akusado ay may kapansanan.

At ang iba ay nakukulong at naihahalo sa mga “hard criminal elements” dahil wala namang sapat na facilities ang mga kulungan para sa mga may kapansanan.

Sa paglilitis ay nagkaroon na ako ng karanasan na ang testigo ay pipi at bingi.

Nahirapan siyang maiprisinta sa husgado at dinggin ang kanyang testimonya dahil sa kawalan ng interpreter sa husgado.

Minsan naman ay kinailangan ko pang kargahin ang isang matandang pilay para makapaghain ng demanda dahil ang gusali ng husgado mismo ay walang elevator at hagdanan lang.

Mungkahi rin ng NCDA, sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at Court Administrators, na palawakin ang tulong na ligal sa mga may kapansanan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga interpreter sa mga husgado, kapulisan at barangay at iba kaugnay na ahensiya para maalalayan ang mga taong may kapansanan na humihingi ng katarungan.

Minsan sa isang news item sa TV ay nai-feature ang isang bulag na graduating na sa law school.

Isa siyang inspirasyon dahil bagama’t may kapansa-nan siya ay hindi ito naging sagabal sa pangarap niyang maging abogado.

Dahil dito, sana mapaghandaan ng mga law school at ng Korte Suprema ang mga kailangan ng mga PWD law student maging sa pagkuha nila ng BAR Exams.

Kina Attys. Florences de Belen, Demiteer Huerta at Maria Agatha Mijares, dakila po kayo at nawa’y lalong dumami ang inyong hanay.

God Bless po.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply