QC anniversary: 50% discount sa mga sine

SA pagdiriwang ng ika-73rd founding anniversary ng Lunsod ng Quezon sa Oktubre 12, kalahati lamang ang bayad ng mga residente sa panonood sa sinehan.

Kumbaga ito ay ikinasa ng QC government bilang special treat para sa QC moviegoers sa nalalapit na anibersaryo ngayong lingo.

Ayon kay Aldrin C. Cuña, chief of staff ni Mayor Herbert Bautista, nakipah-koordinasyon na ang city government sa National Cinema Association of the Philippines (NCAP) para maisakatuparan ang diskuwento sa panonood ng sine.

Para makamit ang special treat, sinabi ni Cuña na kailangan magpakita ang movie goers ang balidong government issued identification cards para mapatuyan na sila ay residente ng QC.

Samantala, nilinaw naman ni Cuña na ang diskwento ay para lamang sa regular 35 mm movies at hindi ang mga pelikulang napapanood sa IMAX theaters, kabilang ang 3D movies.

Kabilang sa mga NCAP members sa QC ay ang SM mall chain (Fairview, Centerpoint, North at Cubao), Trinoma, Eastwood, Gateway, Ali Mall, Waltermart at Robinson’s Fairview.

Maliban sa movie discounts, magkakasa rin ang SM mall ng mall-wide discounted sale sa Oktubre 12.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply