QC kotong cops isinumbong ni Lim kay Espina

ISINUMBONG ni Manila Mayor Alfredo Lim kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Supt. Leonardo Espina ang mga miyembro ng Philippine National Police na nakatalaga sa Quezon City na sangkot sa isang insidente ng pangongotong.

Ang mga naturang pulis Quezon City umano ang siyang nangotong sa isang Punong Barangay sa Malate, Maynila ng halagang P170,000.

Sa reklamo ni Eduardo Torcelino, 56, tserman ng Brgy. 711 sa Leveriza St., Malate, Maynila, naganap ang insidente noong Oktubre 5.

Ayon kay Torcelino, galing sila ng kanyang kaibigan na si Herminigildo Patdu sa Sta. Rosa, Laguna at napadaan sa isang fast food chain sa may E. Rodriguez Avenue sa QC upang kumain.

Pagkatapos kumain ay tinungo nila ang kanilang sasakyan na sa parking lot nang salubungin sila ng grupo ng mga pulis na sina P02 William Blanco at PO3 Wilbert Blanco, nakatalaga sa District Anti Illegal Drugs, at kinuha ang panalo niya sa sabong na nagkakahalaga ng P150,000 at P20,000 na laman ng kanyang pitaka.

Matapos silang kotongan ay dinala naman sila sa Galas Police Station at doon nila nalaman na kinsuhan sila dahil sa pag-iingat ng 15 gramo ng shabu.

Ipinakita pa ni Torcelno ang kopya ng resolusyon ng QCProsecutor’s Office na nire-release sila for further investigation.

Tiniyak naman ni Espina na kaagad iimbestigahan ang mga sangkot na pulis at isasailalim sa preventive suspension, habang inaalam pa kung mga pulis din ang kasama ng mga suspek na sinasabing aabot sa sampu katao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply