Quality sexy movies magpapabangong muli sa Regal Films ni Mother Lily

KINALIMUTAN  na ba talaga at nawala na ang magic kamison at magic sa takilya ni mother Lily Monteverde? Kasi kung before, si Madera talaga ang nagre-Reyna sa mga blockbusters na pelikula, ngayon sunud-sunod ang mga flop movies ng kanyang sariling movie outfit.

Lalo na ‘yung tatlong pelikula sa kanya ni Lovi Poe na nilangaw talagang lahat ito. Kasi naman, Mother, bakit hindi mo i-try uli na mag-produce ng mga quality sexy movies tulad ng ginagawa mo noon nan makabangon naman ang Regal Films na bagsak na bagsak na today.

‘Di ba? Kaya nga sumikat ang mga pangalang Elizabeth Oropesa, Daria Ramirez, Rio Locsin, Claudia Zobel, Ara Mina, Aubrey Miles etc ay dahil sa pinag -prodyus mo sila noon ng kaliwa’t-kanang bold films. (Claudia, Ara at Aubrey Miles lang te. Papa Jessie Ejercito sina Oro at Daria – Ed) Hay, naku! kung puro horror at comedy ka na lang, madir, wala ng mangyayari pa sa pinaghirapan mong kumpanya. Tinuod (totoo) gyud!

***

Bela Padilla, kabog na kabog ang nega star na si Bea Binene

Isusulat namin ito, hindi para sa GMA 7 na hindi marunong mag-appreciate sa mga hindi nila feel na reporter at kanilang mga pina-plastik lang! Hello Ms. Marian Domingo. I will write this piece for the hot manager Ms. Claire dela Fuente na likas na mabait noon pa.

Hayan, Bea, lampasung-lampaso ka na ng kapwa mo Kapuso actress na si Bela Padilla na protegee ni Ms. Claire. Yes, panoorin mo Bea Dinanene ang Magdalena ni Bela na every commercial break ay umaabot sa 13 (15 pa nga te at times..Hahaha! – Ed) commercial loads at pawang mga bigating produkto pa.

At ano ‘yung sinasabi ni Manang Cristy Fermin na bobang umarte ang nasabing pamangking(Bela) ni Robin Padilla eh hindi naman ito nagpapatalbog kay Mercedes Cabral sa kanilang mga confrontation scenes at mala Nora Aunor nga ang acting ni Bela rito na mata pa lang niya ay umaarte na.

Naku! For sure, dahil sa kasikatan ng sexy-drama teleserye ni Bela ay dudumugin siya ng alok sa iba’t-ibang endorsements. ‘Yung kanya ngang Colt 45 TVC with Chesca Litton and Denise Laurel, ang lakas talaga ng dating sa male fans. May ginagawa pa lang Indie film ngayon ang actress na mala porselana ang kutis. Wow na wow gyud!

***

Birthday special ni Boy Abunda, mapapanood na ngayon Sabado

SA kanyang kaarawan, bibigyang-pugay ng Asia’s King of Talk na si Boy Abunda ang mga ilaw ng tahanan ngayong gabi na (Oktubre 27) sa unang bahagi ng kanyang birthday special sa The Bottomline With Boy Abunda kasama ang celebrity mommies na sina Grace Poe, Valerie Concepcion, Edith Burgos, Mozzy Ravena, Genelyn Magsaysay, Elena Bautista Horn, at Risa Hontiveros. Tuklasin ang wagas na pagmamahal ng isang ina sa iba’t ibang kwento ng mga kilalang ina sa industriya.

Gaano nga ba kahirap maging isang nanay? Ano ang pinakamahirap at pinakamasakit nilang naranasan na talagang sumubok sa kanilang pagiging isang magulang? Paano binago ng kanilang mga anak ang kanilang buhay? Huwag palampasin ang birthday special ni Boy ngayong Sabado ng gabi, 11:30pm, sa ‘Ani ng Dangal 2012′ awardee na The Bottomline with Boy Abunda.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply