Quezon’s 2nd most wanted, tiklo

LUCBAN, QUEZON – Matapos ang mahigit ng apat na taong pagtatago sa Metro Manila, nahuli ng operatiba ng police intelligence ang isang cop killer na kinikilalang pangalawang most wanted sa bayang ito, sa loob mismo ng Camp Guillermo Nakar in Lucena City, kahapon.

Kinilala ni Quezon police director, Senior Supt. Valeriano de Leon ang naaresto na si retired SPO1 Alejandro Añola, 56, dating nakatalaga sa Lucban police station at may bounty na Php100,000 sa kanyang ulo.

Sinabi ni De Leon na ang pag-aresto ay isinagawa ng elemento ng Provincial Intelligence Branch sa pangunguna ni Supt. Ramon Balauag at Provincial Public Safety Company sa ilalim naman ni Supt Allen Rae Co sa bisa ng arrest order na ibinigay ni Judge Adolfo Encomienda ng Lucena City Regional Trial Court, Branch 57.

Aniya si Añola ay may transakyon sa loob ng opisina ng AFPSLAI tungkol sa delayed payments ng kanyang benepisyo bilang retiradong pulis ng masakote ng pulis dakong ika-isa kahapon.

Sa isang phone interview, sinabi ni Balauag na si Añola ay nagtago sa batas mula pa noong August 24, 2008 matapos nitong mapatay si PO2 Dexter Villalon na nakatalaga noon sa Provincial Special Operations Group.

Sinabi pa ni Balauag na inakala ni Añola na ang pamilya ng biktima ay hindi na interesado sa kaso, kaya ito ay lumutang sa kanilang bayan at pumunta pa sa loob mismo ng kampo ng pulisya sa Lucena City.

Aniya si Añola na noon ay retirado na serbisyo ng mangyari ang insidente ay nakikipag-inuman sa isang Jojie Intal ng Bgy. Palola ng ang dalawa ay nagkaroon ng mainitang komprontasyon.

“Ang biktima na noon ay nakatira sa katapat na bahay ay matapos marinig ang komprontasyon ay dali-daling inawat ang dalawa”, wika pa ni Balauag.

Sina bi pa niya na si Añola na lasing na noon ay umuwi ng  bahay ngunit bumalik makalipas ng ilang minuto dala ang isang rifle at binaril sa ulo ang biktima na agaran nitong ikinamatay.

Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong sa Quezon Provincial Jail.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply