Rachelle Ann pahinga na muna sa lalaki

AYAW nang pag-usapan ni Rachelle Ann Go ang naging episode niya sa past boyfriends niyang sina John Pratts at Gab Valenciano.

May gusto sana siyang sabihin sa naging experience niya sa dalawa pero hindi na niya itinuloy. Sabagay, alam naman ng lahat kung paanong basta na lang tinuwaran ni John ang dalaga kapalit ni Bianca Manalo. Samantalang si Gab naman ay nganga ang naging relasyon niya dito. Walang kuwenta. Mabuti pa raw si Christian Bautista kahit ipinagpalit din siya sa iba ay inilapit naman siya nito kay Lord bago siya nilayasan.

Kaya sa edad na 26 ay pahinga raw muna ang beauty ni Rachelle sa mga lalaki. Nakapapagod daw kasi kapag may karelasyon.

Pero kahit hindi naging maganda ang kapalaran niya sa kanyang love life, at least ang walong taon niya sa showbiz ay naging mabunga kaya ise-celebrate niya ito sa pamamagitan ng isang konsiyerto na may titulong R.A.G. Rise Against Gravity na gaganapin sa Music Museum sa October 26. Sina Regine Velasquez, Sarah Geronimo at ang ex na si Christian ang magiging guest niya.

***

Ang pelikula nina Coco at Marian ang bubuhay sa Regal

MABUTI naman at na-push through pala ang pelikulang pagsasamahan nina Marian Rivera at Coco Martin, kinumpirma ito ng Regal Entertainment sa kanilang Twitter account. Ang working title ng movie ay “Maybe This Time”. Ang magdiderek nito ay si Maryo J. de los Reyes at ipalalabas daw ito sa first quarter ng 2013.

Good decision ito para kay Lily Monteverde. Sa pamamagitan nito ay siguradong makababawi siya sa pagkalugi sa sunod-sunod na pag-flop ng kanyang mga pelikula. With Marian and Coco around plus Direk Maryo, kikita na rito si Mother.

***

‘SIR’ bibigyang-pugay si Direk Marilou Diaz-Abaya

MGA kwento ng pagsubok at pagbangon matapos ang matitinding pagsubok ang tema ng “Showbiz Inside Report” ngayong Sabado (Oktubre 13).

Pangunahing ibabahagi ng programa ang pagbibigay-pugay sa award-winning director na si Marilou Diaz-Abaya na pumanaw kamakailan sanhi ng breast cancer. Paano hinarap ng mga kapamilya at kaibigan ni Direk Marilou ang kanyang pagpanaw? Sa likod ng kinang ng showbiz, sino si Direk Marilou para sa kanyang anak na si Marc at sa malapit niyang kaibigan na si Cesar Montano?

Samantala, tampok rin sa “SIR” ngayong Sabado ang mga kwento ng pakikipaglaban para sa pamilya ng lead star ng “Suddenly It’s Magic” na si Erich Gonzales at “The X Factor Philippines Season 1” grand winner na si KZ Tandingan. Ano nga ba ang mga pinagdaanang hirap nila Erich at KZ bago naabot ang kanilang mga pangarap? Huwag palampasin ang nakaaantig na life stories nina Direk Marilou, KZ, at Erich sa trending Saturday entertainment talkshow sa bansa.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, magtext sa  09074582883/09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.         

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply