Radio commentator timbog sa droga

ARESTADO ang isang radio commentator sa ikinasang operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Sorsogon.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., ang hinihinalang tulak ng droga na si Felicito Lazaro, 62 anyos, alias Lito, radio commentator at residente sa Bagong Silang, Masbate City.

Batay sa ulat, ikinasa nitong Oktubre 23 ang transaksiyon sa pagitan ng suspek at undercover agent ng PDEA Regional Office 5 (PDEA RO5) sa pamumuno ni Director Archie Grande sa Barangay Binanuahan, Pilar, Sorsogon.

Habang iniaabot ng suspek ang shabu sa kanyang buyer ang iligal na droga ay dito na sumenyas ang mga operatiba at dinakma ang suspek.

Nakuha kay Lazaro ang may 4.5 gramo ng shabu

Ayon kay Cacdac, matagal na ng sinusubaybayan ng PDEA ang auspek dahil sa mga impormasyon na isa umano ito sa malaking supplier ng shabu.

Dahil dito, nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 .

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply