Rapist na nagtago ng 10 taon, arestado

ARESTADO ang isang 31 anyos na lalaki na kinasuhan ng panggagahasa matapos ang may 10 taon pagtatago sa Sampaloc, Maynila.

Ang suspek na nakilalang si Mark Gandingan, walang trabaho, ng 61 CM Dela Fuente St. Sampaloc, Maynila  ay naaresto matapos ang may 10 taon nitong pagtatago sa batas ng mga tauhan ng Manila Police District-Warrant of Arrest Section sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Judge Gullermo Loja ng Manila Regional Trial Court Branch 26.

Ang kaso ni Gandingan ay bunsod naman ng reklamo ng biktimang si Jessa Venezuela, 27, Overseas Filipino Worker (OFW) at residente ng 3351 San Jose Street Samapaloc na umano’y kanyang pinagsamantalahan.

Nabatid kay P Insp. Elias Dematera Jr. ng MPD Warrant of Arrest Section, dakong 6:00 kagabi ng maaresto ang suspek sa kanyang bahay.

“Nasa edad 13 anyos pa lang yong biktima nang maganap ang panghahalay sa kanya ng suspek na naging dahilan upang ireklamo ito sa pulisya pero nakatakas ang suspek,” ayon kay Dematera.

Hindi na umano nakita ng biktima ang suspek sa matagal ng panahon hanggang nakapagtrabaho sa ibang  bansa ang biktima ng halos sampung taon at ng kanyang pagbalik ay namataan niya ang suspek na naging dahilan para ipagbigay alam sa pulisya ang pinaglulungaan ng suspek.

Kasong dalawang counts ng rape ang kinakaharap ngayon ni Gadingan at walang itinakdang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Si Gadingan ay kasalukuyan nang nakakulong sa MPD Integrated Jail.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply