Rapist na nagtago ng 5 taon, nalambat

NAHULOG sa kamay ng mga tauhan ng Northern Criminal Investigation and Detection Team ang isang lalaking matagal nang nagtatago sa batas dahil sa panghahalay sa kanyang labandera limang taon na nakakaraan sa Barangay Tala, Caloocan City.

Kinilala ang suspek na si Joel Gotana, 40, may-asawa, negosyante, ng Barrio San Lazaro Tala ng nasabing lungsod.

Base sa rekod ng korte, noong May 28, 2007 ay ginahasa ng suspek ang biktimang Rizza Toyo.

Si Gotana ay sinampahan ng kasong 2 counts of rape ng pamilya ng biktima sa korte na walang inirekomendang piyansa.

Sa ulat, nakatanggap ng tawag ang tangapan ni PCI Marlon R. Santos hepe ng NMMCIDT mula sa asset nila na nagsabing lumutang ang suspek sa kanilang lugar.

Bitbit ang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Thelma Canlas Trinidad–PE Aguirre ng RTC National Capital Judical Region branch 129 ay agad na nagtungo ang grupo ni Santos sa bahay ng suspek at nadakip ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply