Rapist ng 17-anyos estudyante arestado

ARESTADO sa isinagawang follow up operation ng Las Piñas City police ang 43-anyos na lalaking dumukot at gumahasa sa 17-anyos na estudyante matapos makatakas ang biktima at makapagsuplong sa pulisya kagabi sa San Pedro, Laguna.

Nakuha ng pulisya sa suspek na si Nicasio Villar,  ng 6169 South Ridge, San Antonio, San Pedro, Laguna ang balisong na ginamit nang dukutin ang biktimang itinago lamang sa pangalang “Rica Joy” noong Setyembre  29 sa Daang Hari Road sa Las Piñas City.

Sa report na tinanggap ni Las Piñas police chief Sr. Supt. Romulo Sapitula, nagawang makapagpadala ng mensahe sa pamamagitan ng text si Rica Joy sa kanyang tiyuhing si Noel Intas,  ng Bicol, St., Malipay 3 Molino 4, Bacoor Cavite  noong Okubre 1 at sinabing dinukot siya ng suspek at dinala sa isang lugar sa San Pedro Laguna.

Ipinabatid ni Intas ang pangyayari sa pulisya hanggang mag-text muli ang biktima noong Oktubre 2 at sinabing nagawa niyang makatakas sa kamay ng suspek at ipinasiyang makipagkita sa kanyang kasintahan sa Alabang, Muntinlupa City kung saan siya pinuntahan ng tiyuhin at kapatid, kasama na ang imbestigador na si PO2 Christian Yanga ng Investigation Section ng Las Piñas police.

Kahapon ay inatasan na ni Sapitula sina Insp Nicholas Ma-amo, SPO1 Warren Vicente, PO2 Anthony Bandagosa, PO1 Earl Latorte at PO2 Yanga na makipag-ugnayan sa San Pedro Police matapos matunton nila ang pinagdalhang lugar ng suspek sa biktima sa Barangay San Antonio.

Apat na oras na matiyagang minanmanan ng pulisya ang lugar na pinagdalhan sa biktima hanggang mamataan nila ang suspek alas-6 ng gabi na positibong kinilala ng dalaga kaya isinagawa ang pagdakip.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply