Rating ni Paolo Bediones sa Extra Challenge mas hihigitan pa ni Richard Gutierrez

PINATUNAYAN na ni Richard Gutierrez na hindi lang sa pagiging actor siya tanggap ng televiewers at moviegoers. Maging sa mga Reality show na siya ang host ay tinatangkilik rin si Chard. Kaya naman rito sa bagong Extra Challenge na mapanonood tuwing Sabado at Linggo sa GMA 7, naka-jackpot na naman ang Kapuso dahil sigurado ng papatok ang aktor sa nasabing programa.

Isang malaking factor kung bakit nagki-click ang binata ni tita Annabelle Rama sa show na may ganitong konsepto ay dahil sa siya mismo’y magaling sa iba’t-ibang challenge.

Minsan nga tinatalbugan pa nga niya sa kanyang routine ang mga contestants sa Survivor Philippines. Hindi ba’t sa kanyang Pinoy Adventures kinabahan si Bisaya dahil tinalon ni Chard ang pagkalalim-lalim na karagatan sa isa sa location ng kanyang nasabing show?

Meaning, walang paki ang actor/host basta’t sa ikagaganda ng kanyang show kahit delikado pang stunt ‘yan ay kanyang gagawin. Yes, ganyan ka-professional ang Kapuso hunk kaya’t love na love siya ng GMA News Public & Current Affairs. At kung true man na milyones ang TF ng sikat at gwapong actor, aba’y deserved na deserved niya ito.

And for sure hindi man kami psychic, naba-vibes namin na kakabugin pa ni Chard ang naunang Extra Challenge noon ni Paolo Bediones na matagal ng nasa Kapatid network. Very, very much agree gyud!

***

JLO dahilan nang paulit-ulit na pagpapa-retoke ni Lani Misalucha?  

TILA ang Mexican Diva na si Jennifer Lopez ang “peg” ng tinaguriang Asia’s Nightingle na si Lani Misalucha.

At dahil sa kagustuhang maging kamukha ang international diva, ilang beses nang nagparetoke ng kanyang ilong si Lani. Marami ang naka-wi-witness na sa tuwing babalik ng bansa ang birit Diva para sa ilang committments ay paiba-iba ang hitsura ng ilong nito.

Mabuti-buti nga ngayon at medyo maayos na ang dating ng kanyang nose pero noong unang balik niya ng bansa a few years ago, da height! parang parrot ang kanyang hitsura kaya marami ang hindi nakakilala sa nasabing famous singer sa Las Vegas.

Well, may nagpapayo ngayon rito kay Lani na kung talagang ginagaya niya si JLO, sana ay tigilan niya na ‘yan. Tantanan na raw nito ang pagpapa-retoke at mas maganda kung mag-diet na lang dahil ang lalaki na ng kanyang pata. Yes, isa pa dapat ay magpa-lipo treatment na rin siya nang bumalik ang dating kaseksihan. Oo nga gyud!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply